OPISYAL NA PAHAYAG NG PELCO I TUNGKOL SA NARARANASANG ELECTRIC POWER INTERRUPTION NGAYONG SETYEMBRE 8, 2017 (BIYERNES) SA BAYAN NG ARAYAT ).

DPL| MRC|

Humihingi po ng paumanhin ang pamunuan ng Pampanga I Electric Cooperative, Inc. o PELCO I sa mga member-consumers nito sa naranasang electric power interruption ngayong Biyernes, September 8, 2017, mula 8:42 ng umaga na nakaka-apekto sa bayan ng Arayat, Pampanga. Ito po ay bunsod ng biglaang pagkasira ng 10 MVA Power Transformer sa nasabing bayan.

Sa kabutihang palad, mayroon po ang PELCO I ng isang standby 10 MVA power transformer na siyang gagamitin na pang-palit upang agarang maisabalik ang supply ng kuryente sa mga naapektuhang mga lugar.

Ang mga nasabing pong mga insidente ay hindi inaasahan at hindi rin po maiiwasan kung kaya’t hinihiling po ng PELCO I ang pang-unawa ng lahat ng mga naapektuhang member-consumers.

Mula po sa oras ng pagkasira ng nasabing power transformer, ginawa ng ating mga engineers, linemen at mga iba pang mga kawani ng kooperatiba ang lahat upang agad pong maisayos ang nasira at maibalik agad ang supply ng kuryente.

Asahan po ninyo na laging naka-antabay at handang magtrabaho ang mga kawani ng PELCO I, sa anumang araw oras ng pangangailangan.

Muli po, ang amin pong paumanhin sa lahat